Walang kissing scene sina Zanjoe Marudo at Sam Milby sa “The Third Party” kahit pa lover ang role nilang dalawa sa movie.
Pero ayon kay Zanjoe na gumanap na ring gay sa pelikulang “Bromance”, okey lang sa kanya ang kissing scene kung talagang kailangan sa pelikula.
“Kung hinihingi ng eksena, bakit hindi?” sabi agad ni Zanjoe.
Naniniwala si Zanjoe na kapag gumawa siya ng pelikula at tinanggap niya ang particular role, dapat daw ay handa siya.
“‘Yung trabaho namin, hindi p’wedeng kulang ‘yun, eh. Hindi p’wedeng hilaw. ‘Pag napanood, mahahalata, eh.”
Sa trailer na nakikita namin sa “The Third Party”, halatang may gusto si Angel Locsin kay Sam na boyfriend ni Zanjoe. Pero hindi pa namin alam kung magiging straight si Sam at magkakagusto rin kay Angel towards the end of the movie.
Basta ang say ni Angel, “Ang pelikula po namin is a celebration of love – kahit anong klase ng love – kaya lahat tayo ay makare-relate dito.”
Si Jason Paul Laxamana ang director ng “The Third Party” at first time niya itong gumawa sa Star Cinema.
La Boka
by Leo Bukas