PALIBHASA,NAKAKAINTRIGA ang bagong image na gustong i-project ni Zanjoe Marudo as a comedian. Naki-join kami nina Julie Bonifacio and Arnel Ramos kay Direk Wenn Deramas sa first day showing ng Bromance to watch the film. Curious kaming makita at marinig ang magiging reaction ng manonood sa loob ng sinehan. Sa first day screening, naka-P7 million na agad ito sa takilya. Kaloka, ‘di ba ?
Sa opening , voice over ni Zanjoe habang maayos na ipinapakita ni Direk Wenn kung papano magsisimula ang istorya. Mula sa ipinanganak ang kambal na sina Brando at Brandy hanggang magbinata at kung papa’no nagkahiwalay ang magkapatid. Dito na magkakasanga-sanga ang takbo ng bawat eksena. Sa kabuuan ng pelikula, glossy, parang mainstream ang dating. Hindi mo sasabihing indie film at 12 shooting days lang ito tinapos ni Wenn D.
Epektibo ang pagiging beki ni Zanjoe, sobra kaming naaliw sa kanyang mga eksena, kahit alam nating tunay siyang lalaki. Walang keber ang dyowa ni Bea Alonzo na magpakita ng puwet na naka-T-back na swak sa manonood.
Biggest break nga ito ni Zanjoe as a comedian. Hindi niya binigo si Direk Wenn pati na rin ang manonood. Pinatawa kami mula umpisa hanggang sa ending ng pelikula, tunay na nakakaaliw. Puwede nang maging “Prince of Comedy” si Zanjoe dahil sa biggest success ng kanyang pelikula.
“Kailangang may follow-up agad si Z dahil magaling siyang actor/comedian. ‘Yun naman talaga ang plano namin ni Enrico Santos, another comedy film for Zanjoe Marudo,” say ng box-office director.
Malaki kasi ang tiwala ni Wenn D kay Zanjoe na puwedeng ito maging isang magaling na komedyante, break nga lang ang kailangan at ‘yun ang ibinigay ni Direk. “Nang i-offer sa akin ni Enrico ang project na ito. Sabi ko, si Zanjoe ang gusto kong maging bida at pinatunayan naman niya ito sa aming lahat. Bukod sa napakabait niya, napaka-down-to-Earth na tao. Wala kang maririnig na complain kahit inaabot kami ng madaling-araw. Mahusay makisama at walang kayabang-yabang sa katawan. Ang sarap niyang katrabaho kaya madali naming natapos ang pelikula. Kung ang GMA-7, may Vic Sotto at Wally-Jose, tayo naman (ABS-CBN) may Z,” papuring sabi ng pamosong director.
Wala palang pressure na nararamdaman si Direk Wenn tuwing showing ng kanyang pelikula. “Relax lang, wala lang, happy lang tuwing first day showing ng pelikula ko. Alam kong bawat movie ko mabibigyan ko ng saya ang manonood para sila patawanin. ‘Yun naman ang purpose ko, aliwin sila at pansamantalang kalimutan muna nila ang kanilang mga problema,” say niya.
Malaking factor din si Cristine Reyes as leading lady ni Z. Click ang team-up nilang dalawa lalo na sa mga nakakaloka, nakakatawang mga eksena ng dalawa. Nakadagdag saya’t ligaya rin ang support na ibinigay nina Arlene Muhlach, Joy Viado, Manuel Chua, Boom Labrusca, Joey Paras, Lassy, Nikki Valdez, Abbie Bautista, Carlo Romero and Jeff Luna na lalong nagbigay kulay sa movie ni Zanjoe M. Congrats!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield