KAPANSIN-PANSIN ANG PAGIGING magiliw ngayon ng media kay Zanjoe Marudo. Totoong-totoo kasi sa kanyang sarili kung sumagot ang binata sa mga katanungan sa kanya sa grand presscon ng Lovers in Paris with KC Concepcion at Piolo Pascual. Lalong ikinatuwa ng nakararami nang sabihin niyang, “Makasama ko lang ang mga sikat na artista at makita ko lang sa screen ang mukha ko kasama sina KC at Piolo ay happy na ako.”
Bukod pa rito, pinuri-puri pa si Zanjoe nina Chit Ramos at Mario Bautista sa mahusay nitong pagganap sa Kimmy Dora with Eugene Domingo at sa iba pang shows niya sa Kapamilya network.
Sa labis na tuwa ni Zanjoe sa mga papuri sa kanyang ng mga press, gusto niyang regaluhan (birthday at Christmas) ang mga taong malaki ang paniniwala sa kanyang kakayahan as an actor at sa mga taong laging naka-support sa kanya. Wala masamang magbigay, ika nga, share ‘yung blessings.
Basta bukal sa loob ang pagbibigay, maliit man ito o malaki, ang importante, naalala ka. Kilala ang binata sa pagiging generous nito, hindi lang sa pamilya, girlfriend pati na rin sa kaibigan.
Hindi tulad ng isang dramatic actor d’yan na kumikita ng milyon-milyon sa kanyang pelikula at endorsement hindi marunong mag-share ng kanyang blessing pero pagdating sa nililigawan, kahit walang okasyon ay mamahaling bagay ang ibinibigay. Hindi man lang niya maaalala regaluhan ‘yung mga taong nakatulong sa kanya noong time na nagsisimula pa lamang siya hanggang marating niya ang status niya ngayon bilang isang sikat na artista. Balitang makunat pa sa inuyat ang guwapong actor na ito.
Kung tawagin si Zanjoe, ang lalaking walang pahinga dahil sa dami ng shows na ginagawa niya plus shows abroad. Nang gawin ni Zanjoe ang nasabing Koreanovela ay may halong kaba at takot sa kanyang dibdib nang una niyang maka-eksena sina KC at Piolo. “Yung mga kasamahan kong artista nakabantay sa akin, lahat sila nakatutok kung ano ang gagawin ko, galingan ko raw kasi ka-eksena ko ‘yung dalawa. Mabuti na lang tinututukan ako ni Direk FM Reyes sa bawa’t eksenang gagawin ko. Sineseryoso ko na ang pag-arte, kung ano ang gustong ipagawa sa akin ni Direk, ginagawa ko nang mabuti para hindi ako lumabas na nakakahiya kapag pinanood na ninyo ang soap namin” masayang kuwento ni Zanjoe.
It’s a totally different version ng Lovers in Paris. “Iba ‘yung audience niya, iba ‘yung flavor niya kahit sabihin nating highest-rating Koreanvela ang original version in the Philippines. Hindi ‘yun ang worry natin, ang worry ko, how can we give life to the characters na Pilipino ang dating,“ paliwanag ni Direk FM.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield