PAGKATAPOS magbida sa pelikulang ‘366’, tila nagustuhan ng Vivamax bosses ang Kapamilya hunk actor na si Zanjoe Marudo at agad siyang biniyayaan ng bagong pelikula entitled ‘Ikaw Lang ang Mahal‘ kung saan leading lady niya ang 2015 Miss International turned sexy actress na si Kylie Verzosa.
Set in the mysterious Sagada Province, interesting ang premise ng pelikulang ito na tumatalakay sa buhay ng ilan sa ating mga artists na piniling manirahan sa naturang probinsya. Dito ay maraming interesting male and female characters na nakilala ang karakter ni Zanjoe.
Noong una, akala namin ay isa itong pure romantic drama, na maaaring may sexy scenes, pero subtle lang. Wala kasi itong ‘Parental Controls PIN’ na normally ay meron bago mapanood ang mga mapupusok na pelikula ng Vivamax.
Well… nagkamali kami! In the first few minutes pa lang ay agad nang nagpakita ng kanyang alindog ang sexy actress na si Cara Gonzales, na gumaganap bilang direktor na hindi mapigilang makipag-romansa sa marupok na karakter ni Zanjoe.
Mas naloka kami sa karakter ng veteran sexy actress na si Lara Morena, na gumaganap bilang isang dyosa ng pagpipinta dahil bago magpa-interview kay Zanjoe ay nilapa niya muna ito! Rawr!!!
S’yempre, hindi rin pahuhuli si Kylie Verzosa. Marami-rami ang love scenes nila rito na artistically made. Hindi completely naked si ang ex-beauty queen, pero lutang ang kanyang kaseksihan. Memorable dito ang kanilang ‘camping romance’ scene. Para sa amin, ito rin ang best movie ni Kylie dahil swak na swak siya sa karakter na kanyang pino-portray na isang depressed novelist.
Hindi lang namin nagustuhan ang ending, pero kung naghahanap kayo ng Vivamax movie na maganda ang visuals, may kuwento, immersive at artistically done ang trademark love scenes na tila required sa bawat Vivamax movie, give this film a shot.