ISANG bagong tambalan ang matutunghayan ng mga moviegoers this coming November 15.
For the first time ay magsasama sa big screen ang Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo at Kapuso leading lady na si Rhian Ramos via the movie “Fallback”. Ang refreshing team-up na ito ay mula sa CineKo Productions at idi-distribute nationwide ng Star Cinema. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana, na siya rin writer/director ng Pista ng Pelikulang Pilipino hit movie 100 Tula Para Kay Stella.
We are happy for Zanjoe and Rhian dahil sa totoo lang, sila ang dalawa sa pinaka-talented na artista ngayon. They can both do comedy and drama in just a snap. Huling napanood si Zanjoe sa telebisyon via the family drama “My Dear Heart” at sa big screen naman ay last year pa natin siya huling nasilayan sa “The Third Party”, kung saan gumanap siya na boyfriend ni Sam Milby at umani pa ito ng nomination sa mga award-giving bodies. This movie was also under Direk Jason Paul Laxamana.
Si Rhian naman ay huli natin napanood sa “Saving Sally”, although that film was taped many, many years ago. Ang pelikula niya na tumatak sa akin na huli ay ang mystery-drama na “Silong”, kung saan nakipagsabayan ito sa aktingan at romansahan with Piolo Pascual. Sa telebisyon naman ay napanood siya sa afternoon series na “Sinungaling Mong Puso”. Nakatakda naman itong bumalik sa Kapuso network sa pamamagitan ng light sexy-drama show na “The One That Got Away” with Lovi Poe and Max Collins.
Kasama rin sa pelikulang fallback sina Ricky Davao, Cai Cortez, Marlo Mortel, Tetchie Agbayani at Daniel Matsunaga, na magsisilbing panggulo sa love story nina Zanjoe at Rhian.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club