KUNG LALAKI ka, secured ka sa sarili mo. Kahit itsismis ka na bading, dedma ka. Hindi ka apektado. Kaya nga kahit tumanggap man ng gay role si Zanjoe Marudo sa pelikula or kung ano mang trabaho, oks lang sa binata.
“It’s a role na dapat din sigurong masubukan ng lahat ng mga artista kung gusto nilaNG maging isang magaling na artista,” kuwento niya sa presscon ng pelikulang Maria Leonora Teresa na ipalalabas na sa September 17.
Sa bagong pelikula kasi ng binata, isang bading na teacher ang role ni Zanjoe. Pero iba ito sa nauna niyang role sa Bromance na bading man ay comedy ang atake.
Drama-horror ang MLT na sa unang pagkakataon ay idinirek ng box-office director na si Wenn Deramas na mas kilala sa mga pelikulang katatawanan kaysa sa mga pelikulang katatakutan.
“Pero ayos ‘yong movie. Ako nga nagugulat kung minsan,” pagkukuwento niya.
Sa kanyang career ngayon, nagpapasalamat si Zanjoe na kahit papaano ay natutupad angmga pangarap niya. But he want a more challenging role kung may pagkakataon or offer sa kanya.
Nasubukan na rin niyang mag-drama sa pelikula nila noon nina Angel Locsin, Angelica Panganiban at Dingdong Dantes, kung saan hindi siya nagpatalo kay Dingdong na may butt exposure sa opening scene ng movie na siya man ay mayroon din sa eksenang love scene nila ni Angel.
“Gusto ko ibang klase ng drama. I can go sexy or much sexier sa movie ko nu’n, basta maganda ang script at ang idea,” kuwento pa niya.
Reyted K
By RK VillaCorta