TOMBOY BA si Alessandra de Rossi? Tinanong ko sa kanya dahil wala yata siyang lovelife o ‘di kaya’t naikukuwento na may nanliligaw sa kanya.
Sa mga galaw niya at nuances, she’s like a lesbian na “pa-girl” na uso naman at hindi de kahon tulad ng pagiging lesbiyana nina Aiza Seguerra at Charice Pempengco.
“Wala. As in wala,” sabi niya sabay tawa. Dagdag niya, “Mukha ba akong tomboy?” tanong niya sa akin at sa isang kasamahan sa panulat.
Hindi pala siya mahilig sa gimik kung saan na may malaking pagkakataon na maka-meet siya ng binata na mata-type-an niya. Maliit lang kasi ang mundo ni Alex (palayaw niya) dahil mas gusto niyang mag-stay sa bahay niya sa Fairview na pina-renovate niya kasama ang isang pamilya na parang adopted na niya.
Ang nanay sa pamilya ay siyang pinakamayordoma sa bahay at ang tatay naman, ay kasama sa pagtatrabaho ng nanay sa bahay kung ano man ang p’wedeng maitulong nito.
Masaya siya sa ganitong set-up. Mga alagad ng sining na tulad niya, they’re contended with a simple and quite life. “Pero kung importante, I go out naman but most of the time, its work and bahay lang,” sabi niya.
Kaya nga kung titingnan mo ang pattern ng buhay niya, routinary. Parang boring. Paulit-ulit pero sa mga kasimplehan na ‘yun ay roon daw siya masaya.
Sabi nga ng road manager niya na si Beth, “Zero lovelife si Alex,” panigurado niya.
Kaya enjoy niya ang trabaho sa mga indie films kung sa ilang pagkakataon, lalo na sa Cinemalaya, kapansin-pansin ang mg obra na nilalabasan niya na sa bandang huli, siya ang nag-uuwi ng parangal bilang best actress.
Hindi hamak na mas magaling naman siya kaysa sa Ate Assunta niya na mas nauna sa kanya sa showbiz.
Sa 2013 Cinemalaya, may entry muli sila ng kanyang director na si Gil Porters, ang Liars, tungkol sa isang journalist na nasa sitwasyon kung sasabihin niya ang totoong natuklasan niya o hindi.
Biro ko sa kanya, sa showbiz hindi effective ‘yan. Sa mainstream news media, p’wede pa.
Naka-ilang beses na yata siyang na may entry sa Cinemalaya na tuwing dumarating ang buwan ng Hulyo, excited siya dahil sa mga pelikulang inilalahok at nakakasabayan niya ay napapanday ang galing na meron na siya.
“I just hope na ma-recognize ako na isang true actress pagdating ng panahon. ‘Yun bang kapag nabanggit ang pangalan ko – kadugtong ng pangalan ko, people we’ll say, aktres ‘yan.”
Kahit saang angulo mo tingnan, tunay naman na artista si Alessandra. Aktres siya na hindi basta-basta.
Reyted K
By RK VillaCorta