ILANG TV SHOWS na ang naidirek ni Zoren Legaspi sa GMA-7 tulad ng Fantastikman, etc., pero pangarap pa rin nito ang makapagdirek sa pelikula, sa hinaharap.
Natatandaan namin, presscon pa ‘yun ng MMFFP entry ni Zoren last December 2009, naikuwento na sa amin ni Zoren na magdidirek siya ng pelikula – isang gay film!
Noon pa lang ay nagulat na kami, pati ang ibang press na naka-chikahan niya, kung bakit isang gay film ang type nitong gawin samantalang hindi naman siya bading?
Akala namin ay hindi na ito matutuloy dahil wala nang follow-up news dito, pero after five months, muli kaming nagkita ni Zoren – sa lamay ng yumao nating kapatid sa panulat na si Archie de Calma – at dito niya sinabing nais pa rin niyang ituloy ang nasabing proyekto.
Hindi lang ang gay film ang nais niyang idirek, kundi may dalawang magkaibang genre pa – isang action film na nais niya ring pagbidahan, at isang horror.
“Parang tatlong paborito kong ulam ‘yan na nakahain sa lamesa, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin,” sabi ni Zoren. “Kung ano ang maunang mabuo ang script, ‘yun ang uunahin natin.”
PERO KUNG MERON mang nakaiintrigang pelikula ang gustong idirek ni Zoren Legaspi, ito ay ang gay film, na ayon sa alaga ni Manny Valera, ay matagal na niyang naisip, at original story niya ito.
“Marami na kasing gay films na pare-pareho na lang, gusto ko namang gumawa ng serious, ‘yung adult drama about gay relationship. Kung ano ba ang buhay ng isang gay man, ang kanyang feelings, ang pakikipagrelasyon niya sa guy, kung paano ba tumandang mag-isa, gano’n.
“Kasi, like sa Hollywood, nirespeto at kinilala rin ang gay-themed films like Brokeback Mountain, at si Sean Penn, ang galing-galing sa Milk,” say pa ni Zoren, na walang kabahid-bahid ng kabadingan.
Ayaw pang ipasulat ni Zoren ang synopsis at mga target niyang artista to play the gay characters, basta dapat daw ay magaling umarte. Ilang scripts na ang naipasulat niya sa ilang scriptwriters, pero hindi pa rin ito ma-swak sa gustong mangyari ni Zoren for his gay film.
Aabangan ‘yan ng mga baklesh, huh, Zoren!
BUONG NINGNING NA inamin ni Alwyn Uytingco na masugid siyang manliligaw ngayon ni Jennica Garcia, ang anak ni Jean Garcia, at iisa rin ang kanilang manager – si Manny Valera.
Sa presscon ng Pendong, kung saan kasama ni Alwyn sina Will Devaughn and Felix Roco mula sa direksiyon ni Sean Lim, aminado si Alwyn na gagawin niya ang lahat mapasagot lang ang nililiyag (nililiyag daw, o!) na si Jennica, kahit may chikang “sila” na.
“Tanungin n’yo na lang si Jennica. Respeto lang sa babae ‘yun,” say ni Alwyn sa pangungulit namin kung mahirap bang aminin kung totoong sila na nga ni Jennica.
Malakas daw aniya ang dating ni Jennica kaya seryosong na-in love ito sa young actress. Kitang-kita lang naming nag-blush ito while on the “hot seat” sa isyung si Jennica pa ang dumadalaw sa set ng Pendong.
Siya nga pala, aliw-aliwan ang karakter ni Ate Gay sa Pendong bilang gay stalker ng guwapong hunk na si Will. Bongga rin ang pagpayag ni Bembol Roco na mag-cameo role sa said Onix Production movie na may June 25 playdate na in SM cinemas.
Ang iba pang may cameo roles sa pelikula ay sina Enchong Dee, Paolo Ballesteros, Joseph Bitangcol, Cai Cortez, Lance Raymundo, Dominic Roco, etc.
Follow us on twitter at www.twitter.com/mellnavarro.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro