KABALIW NAMAN ANG timing ng pagpanaw ng mega-yaya ni Megastar Sharon Cuneta na si Loreta Benitez, habang nagki-Christmas Party si Sharon sa Ayala Westgrove Heights house nito sa Laguna!
Si Yaya Luring ay nag-alaga kay Sharon mula pa noong 5 years old ang Megastar, at ito ay 80 years old. Cardiac arrest umano ang sanhi ng pagkamatay nito, at dalawang anak ang naiwan nito.
Hindi na mapapanood ni Yaya Luring ang ipinagmamalaki pa man ding movie ni Sharon at sinasabi niyang nasa Top 10 films niya, kahanay ng Madrasta, Dear Heart, Bituing Walang Ningning, etc.
For sure lang, eh, abut-abot ang pagdadalamhati ni Ate Shawie sa pagpanaw ng kanyang dearest Yaya Luring na namuti na ang buhok, eh, nanatiling very loyal sa aktres.
Ang ibang yaya o maid ng ibang stars, ilang taon lang ay babu na, pero dekada ang binilang ng pagsisilbi ng dakilang Yaya sa aktres, hanggang sa kamatayan nito.
Sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati nakaburol ang mga labi ni Yaya Luring, at sa Heritage Park naman sa Taguig ang libing. May she rest in peace.
NAG-IYAKAN DAW SA last taping day ng SiS recently at true ang chikang papalitan na ito by next year.
December 17 naganap ang last taping at ‘di mapigilan ng staff and crew ang pagtatapos ng long-running morning show nila. January 1, 2010 ang airing umano nito.
Hindi pa rin malinaw as of press time kung totoong ang Todo Bigay ni Bayani Agbayani na ang napili ng GMA bilang kapalit ng show nina Janice at Gelli de Belen at Carmina Villarroel.
Samantala, since si Zoren Legaspi ang visible sa press conferences, siya ang nag-chika sa press na mananatiling Kapuso ang live-in partner na si Carmina Villaroel.
SPEAKING OF ZOREN, inamin nitong hindi naman daw nila dine-deadma ang idea na magpakasal kahit sa huwes, kahit may dalawang cutie pie na silang mga anak.
“Nakalilimutan lang namin lagi,” katuwiran ng guwapo pa ring actor na parang hindi tumatanda. “Minsan, napaplano na namin, pero ‘pag may dumarating na pagkakaabalahan, ‘di na namin naaalala dahil busy na.”
Mas posible raw muna sa ngayon ang civil wedding kesa sa church wedding for Zoren and Carmina, at consistent si Zoren na ang bonding talaga nila ay kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.
“’Yung kambal namin ang aming eternal rings,” sambit ng alaga ni Manny Valera.
Samantala, mukhang ang bilis bawiin ni Zoren ang una niyang pahayag sa press na kausap niya (like us) na type niyang magdirek ng gay film, kahit isa siyang straight guy, at challenge umano ito sa kanya as a film director.
Malamang, alam niyang ang gay flicks naman talaga ang naghi-hit pagdating sa indies, lalo na kung matino ang pagkakagawa. Pero nang maisip nitong baka intrigahin sila ng press sa offer niya for the said gay flick sa magbibidang either si BB Gandanghari or Roderick Paulate (beautiful gay love story raw ito), eh mukhang atras na ang plano ni Zoren, huh!
As we write this ay waiting pa kami sa reply ni Zoren sa text kung true ang chikang hindi na niya ito itutuloy… Well, for us, kung hindi niya “keri” si BB, eh, marami pa naming ibang puwedeng kuning bidang gay, ‘di ba?
Mellow Thoughts
by Mell Navarro