FIRST GIRLFRIEND pala ni Zoren Legazpi si Ruffa Gutierrez! First official girlfriend.
“I was 14 years old nang umuwi ako ng ‘Pinas from the U.S. and back there, hindi ko masyadong na-focus ang sarili ko sa mga relasyon, because I worked agad. Mahilig na ako sa paghawak ng camera. As a matter of fact, naging family business namin du’n ang pag-cover ng weddings, debuts, birthdays, reunions, graduations, and any accassion, lahat,” kuwento niya sa presscon ng ‘Ukay-Ukay’ episode ng Skake Rattle and Roll XI na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko. Likas pala siyang masipag, kahit bata pa siya.
“Hindi kataka-taka na ngayon ay nagdi-direk na rin ako ng indie movies, although gumagawa rin ako ng sarili kong short movies, na may sarili kong concept, at sarili kong story which I intend to show one of these days.
“I came home noon dahil gusto ko talagang mag-artista. Noong una, medyo bulol din akong mag-Tagalog, pero, isinabak agad ako ni Daddy sa radyo para matuwid ang pa-islang-islang ko. Hindi ako katulad ni Ruffa na may twang talaga pati pag-i-Ingles,” natatawa niyang patuloy. Habang nagsasalita, nakikinig pala si Ruffa sa may ‘di kalayuan, kung kaya’t maagap itong nagsabing, purihin siya ni Zoren, dahil, pinupuri din siya nito. Lalong napahalakhak si Zoren dahil nang gabing iyon, walang tigil na tuksuhan ang nagaganap sa presscon.
“Four years din naging kami at 7 years naman niya akong hindi kinausap at hindi ko na matandaan kung bakit. Talaga namang pupurihin ko siya dahil magaling siyang magdala ng sarili. Maganda pa rin siya ngayon at may magandang shape pa ng katawan, kahit mahilig siyang kumain. Inubos niya talaga ang tapsilog, pati kanin, which I don’t see in other women her age na nagdyidyeta. Ako nga, namimili na rin sa kinakain, dahil, bilang artista obligasyon mo talaga na maging mukha at katawang artista. Otherwise, hindi ka na kukunin ng mga producer. Bibigyan ka na lang ng father roles, which I avoid. One time, tumanggap ako ng father role na may anak na tulad ni Kris Bernal, dahil mukha siyang bata at maliit pa. But that was the last. Ngayon, kung may father roles naman, mga kasing edad na ng kambal ko ang ibinibigay sa akin, and I feel good talaga.
Ipinagtanggol din ni Zoren si Annabel at ang pagiging istrikto nito noon kay Ruffa.
“Ruffa was 14 that time, kaya dapat lang na maging strict ang mommy niya. Pero, hindi nga kami maawat, dahil iyon ang nararamdaman namin. Hindi ko nga iniintindi kahit minumura-mura ako noon ni Tita Annabel. Sinusuklian ko naman ng paggalang. Iyon lang kasi ang dapat. Kasi naman, umaakyat pa ako sa bakod nila, para lang kami magkita ni Ruffa at nabalitaan niya ‘yun sa mga tabloid.”
‘Yung naman kissing scene nila, eh, minsan lang naganap sa ‘Ukay-Ukay.’ “Conscious kasi si Ruffa,” tawa na naman niya. “Naghanda pa naman ako at nagpapakuwento pa naman si Carmina (Villaroel) dahil kilig-kiligan din sa amin. Pero wala akong maikuwento, dahil saglit lang naganap. Ewan ko kung ano’ng labas noon, dahil inabot na naman kami ng tuksuhan.”
Tsismis nga ng mga miron sa shooting, eh, kakilig-kilig pa ring tingnan sina Ruffa at Zoren, dahil ang gaganda pa nilang tingnan. Hindi katulad ng ibang kasabayan nila, na ang tataba na at pinabayaan na yata ang sarili nila sa kusina nang mag-mature, mag-asawa at magkaanak. At namumula pa sila kapag natutukso. Tuloy, parang may “something” pa rin silang nararamdaman sa isa’t isa.
“Wala kasi kaming closure,” biglang dugtong ni Zoren. “Oo, wala talaga kaming closure noon and let’s leave it that way kasi magandang isipin!”
Buti na lang at hiwalay na si Ruffa kay Ylmas (Bektaz). Otherwise, hindi siguro magaganap ang napakasayang reunion movie nila. On Zoren’s side, sakay naman nang sakay si Carmina sa kiligan blues, dahil sa totoo lang ay fan siya ng Ruffa-Zoren love team. Isa pa, kahit pala si Ruffa ang ka-love team noon ni Zoren, eh, si Carmina naman ang crush niya, iyon na nga lang may ibang ka-love team noon si Carmina, si Jeffrey Santos.
BULL Chit!
by Chit Ramos