KAHIT HINDI diretsahang Ipinahayag ni Zsa Zsa Padilla, mukhang malubha na nga ang karamdaman o sakit ng Comedy King at long-time partner niyang si Mang Dolphy.
83 years old na ang batikang hari ng komedya, at aminado si Zsa Zsa na hindi madali ang kanyang “pinagdaraanan” sa mga araw na ito, kaya naging outlet niya umano ang pagte-taping niya ng Budoy with Gerald Anderson.
Last year, ilang beses nang napabalitang pabalik-balik sa hospital si Mang Dolphy, and “he’s hanging there” lang ang description ng Divine Diva tungkol sa tunay na estado ng kalusugan nito.
“He’s in good spirit, and we do our best to take good care of him,” pahayag ni Zsa Zsa na hindi napigilan ang maging teary-eyed sa last presscon ng Budoy announcing its finale week.
Sa taping nga raw, dito siya nakakakuha ng “support group” sa kanyang co-stars in the teleserye tulad nina Mylene Dizon, Janice de Belen, Tirso Cruz, III at iba pa. Na kung minsan daw, kahit na galing ospital kakabantay kay Dolphy ay didiretso ito ng taping.
Umiiwas si Zsa Zsa sa tanong kung ano ang tunay na sakit ni Mang Dolphy, ang say lang nito: “Maybe in another time. If the whole family is ready. I don’t want to be the only one to say, regarding his health.”
Samantala, pawang good reviews ang natanggap ng Budoy sa itinagal nito sa ere, particular na sa acting department nina Gerald at Janice, at hindi rin matatawaran ang ipinamalas na performance nina Mylene at Tirso, bukod pa sa hataw sa ratings.
Ang maganda sa serye, marami itong “na-touch” na lives ng Pinoy televiewers, dahil inspiring ang kuwento nito.
NARINIG PA lang namin ang chikang ito, pero hindi pa kumprimado. Na gaganap daw bilang “Bona” si Eugene Domingo sa stage adaptation ng Bona, isa sa film classics ng Superstar na si Ms. Nora Aunor.
A few months ago last year, kinuha ng PETA (Philippine Educational Theaters Association), one of the pioneer theater groups, ang mobile number ni Kuya Boy Palma, sa amin, which we gave naman.
Type nga raw kasi ng PETA na isa-entablado ang Bona ni Ate Guy and ipapaalam lamang ito sa multi-awarded singer-actress.
Wala na kaming follow-up pa from then on, hanggang sa nakarating sa amin ang chikang si Eugene nga raw ang napipisil na gumanap sa theater version.
Kung matatandaan, bago naging sikat sa telebisyon at humataw sa takilya at pinaparangalan ang kanyang mga pelikula, eh sa teatro siya nagsimula, kaya sinasabi rin ni Uge noon pa na type niyang balikan ang theater.
Drama kung drama ang Bona, at kung magkatuluyan man ang PETA at si Eugene, dramatic pro-wess naman ni Eugene ang ating aabangan sa stage play. That is, kung siya na nga ang final choice for the role.
Kasalukuyang sinu-shooting ni Eugene ngayon ang , at natapos na niya ang kanyang scenes sa Korea with Direk Joyce Bernal.
Ginagawa niya now ang I Doo Biddoo Biddoo na musical movie naman in tribute to APO Hiking Society’s songs, with Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Sam Concepcion, etc, written and directed by Chris Martinez, from Unitel Pictures.
For comments, please email us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro