SOBRANG NA-HURT si Ms. Zsa Zsa Padilla sa dalawang haters niya sa twitter (sina @krizzylhen15 at @paoskie666). Imbes na i-block ay in-explain pa niya ang kanyang sarili sa mga ito thru her tweets na nababasa rin ng kanyang mga followers nu’ng Sunday.
“At bakit nasa @ASAPOFFICIAL pa si @zsazsapadilla? Kala ko ba, nag-file na siya ng SSS benefit package? #BOTOXQueen.”
“Oo nga, tsugi na siya, hindi na siya need sa ASAP.”
Sinagot ito ni Zsa Zsa ng, “Masaya ba kayong mawalan ako ng job bilang breadwinner ng family ko now? Sana, mag-isip naman kayo sa mga tweet n’yo. Nagtatrabaho lang po. Every week n’yo na lang akong binabastos!
“I have been with ASAP 17 years of the 29 years that I have been in showbiz. I know asap will be around even when I am long gone. But humility aside, I know that I have contributed a lot to what ASAP is today. ASAP will always hold a special place in my heart. This much is true.
“Guys, I’m not mad. I’m sad. Twitter is a nice place but trolls take the fun out of this place!”
Ayan, nagtaray na rin si Ms. Zsa Zsa.
NAPAKADALING MAGTARAY, lalo na kung nagtatago ka lang sa isang alias. Lalo na sa social networking sites, kung saan malaman mo lang ang direct account ng mga celebrities ay diretso mo ring maipaaabot sa kanila ang iyong paghanga at ganu’n na rin ang iyong hatred.
Ito ‘yung mga taong ‘pag hinamon mo nang harapan, ayaw magpakita. Bahag na ang buntot. Kaya sa twitter talaga, ‘pag pikon ka, ‘wag ka nang pumasok.
Tulad na lamang ni Coco Martin na facebook at twitter, wala siya talaga.
“Ayoko kasing maapektuhan ako, eh. Sensitive ako. Baka ‘pag naapektuhan ako, ako rin ang talo. Pati trabaho ko, maapektuhan din. Eh, ‘di ‘wag na lang.
“Gagawin ko na lang ang trabaho ko. As long as marami ang nagpaparating sa akin na natutuwa sila, okay na ‘ko. Masaya na ‘ko non.”
KAHIT SI John Lloyd Cruz, siya mismo ang nagsabi sa amin na wala siyang facebook at twitter account. Hindi raw kasi siya techie at mas gusto niyang magbakasyon o matulog ‘pag puyat galing sa trabaho.
Naintindihan namin si John Lloyd, dahil juice ko, kahit naman kami na ang magsabi sa kanya, ang dami na niyang posers sa twitter. Akala talaga, siya ‘yon, pero pare-pareho lang sila nina Coco at Gerald Anderson na walang twitter account.
PERO SABI nila, hindi ka in ‘pag wala kang twitter account. Eh, ‘yun ang sabi nila. Hindi naman din lahat ng may twitter account, yumaman sa twitter, eh.
‘Yung iba nga, twitter followers pa ang nagbubuko na nakita nila si ganito o ganyang artista na magka-date, samantalang me kani-kanya naman silang lovelife.
You can ask Hayden Kho and Nancy Castiglione.
‘Di ba, Dra. Vicki Belo?
PERO ANG twitter, ‘yan ang nagbibigay ng updates. Mabilis pa sa diyaryo ang mga updates dito. Sa twitter pa lang, nagkakaalaman na. Mismong mga artista na may sari-sariling account, sila mismo ang nag-a-update kung ano na ang pinagkakaabalahan nila.
Kaya me pros and cons ‘yang twitter, eh.
Meron ngang isang personalidad, eh. Once na mag-open ito ng twitter account, juice ko po, baka ang pagbabasa ng mga hate tweets ang siyang papatay sa kanya, dahil ang dami nga kasing galit sa kanya.
Kaya kami na lang ang magsasabi sa kanya personally na ‘wag nang mag-open ng twitter account para hindi siya ma-highblood.
Oh My G!
by Ogie Diaz